#ONEKConcertinManila

Akala ko talaga panaginip lang e. Simula nung in-announce ng All Access Production yung first artist/group na kasama sa lineup ng OneKCon, nagdecide na talaga ako na hindi na ako aattend ng EXO’rDIUM. Tapos, nung sunod-sunod nang sinabi yung iba pang kasama sa lineup, I was like “BAM!” I really need to be there.. No! I HAVE TO BE THERE.

B.A.P., B1A4, AOA, CNBlue, SHINee, PSY, and BTOB. Bes, for a day, I’ll be able to see them perform live! Daehyun, Gongchan, Choa, Yonghwa, Jonghyun, si Manong PSY, Ilhoon, Peniel, Eunkwang, Hyunsik, Minhyuk, Changsub, and Sungjae.
Gahd. Tapos eto na. Hindi pa ako makatulog kasi naeexcite ako na ewan. Huhu.

Ang aga ko pa pumunta ng MOA kasi kailangan ko ibigay yung fanchant/lyrics sa staff ng BTOBPH tapos para na rin makakuha ng freebies and banners for fan projects ng different fandoms. (Sorry na hahaha Multifandom bes) Tapos, bawat makasalubong ko pa, pinopromote ko talaga yung comeback ng BTOB at B.A.P. Jusko hahaha.

Tapos, unexpectedly (kahit alam kong scripted kasi paulit-ulit yung “GUYS, BON CHON AH?”) I met several people na may iisa kaming similarity-LOVE FOR KPOP.
I came to MOA Arena with my bag, my shoes and uniform, my BTOB Official LS, my concert ticket, and enough money. But, I came back home with new friends, and memories that I will cherish forever.
Although, maaga umalis yung BTOB, it was all worth it.

B.A.P. – Yung live high notes ni Daehyun tapos yung pagsasayaw ni Zelo jusko huhu. Na-amaze na naman ako sa B.A.P jusko huhu ang cool na nga nila tapos lalo pang umastig dahil sa background tapos sa fanchants. Grabe talaga. Hindi talaga ako nagkamali at nanatili ako as a Baby huhuhu. Next time, sana kasama na si Yongguk. :3

B1A4 – huhuhu si Baro huhu. Bakit ba pinanganak na cute yang batang yan? Jusko panira ka ng buhay ko hahaha. Umalis ako ng bahay, si Gongchan bias ko. Habang nanonood ako ng concert, si Jinyoung bias ko. Ngayong pag-uwi ko, ikaw na Baro. Gahd. Hahahaha. Syempre, si Sandeul omg hahaha hiyang-hiya nung nag-aegyo e. Haha. Si CNU omg ang classy talaga nun huhu. Yung sprout dance nila mygahd ayheytchu huhuhu sinisira niyo talaga kapayapaan ng buhay ko jusko hahaha

AOA – Si Choa at Jimin huhuhu ang gaganda talaga nila, PROMISE. Akala ko may mga anghel na sumasayaw kasi sobrang kumikinang talaga sila hahaha. Para akong timang kasi kinakanta ko lang talaga ng buo yung mga pinerform nila imbis na mag-fan chant ako hahahaha para akong epal na member ng AOA na di pinayagang magperform kasi nakapants at hindi nakaskirt hahaha lol

BTOB – Alam mo yung hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba o maiiyak. Huhuhu. Nakakakilabot talaga yung fanchant sa BTOB grabe. Nakakaproud kasi nakasama ako sa fanchant at Slow Blue Ocean. nakakainis hahahaha lahat bigla kong naalala. yung paglalaro ni Sungjae sa ulo ni Peniel hahaha tapos yung tawa ni Changsub nung nag-introduce siya. Yung pagpiyok ni Sungjae nung sinabi niyang “I LOVE YOU PHILIPPINES”. Yung eyesmile ni Hyunsik huhuhu yung version talaga kasi nila ni Eunkwang ng ‘Anak’ e huhuhu tapos si Cesar Montano pa yung naggitara gahd BEST COLLABORATION OF THE YEAR NA AGAD ITO! Hahaha tapos si Ilhoon omg hindi ko makita ng maayos mukha mo Lolo. Enebe huhuhu Rapper swag talaga e huhuhu syempre si Minhyuk huhuhu grabe siya magfan service. Ikot siya ng ikot tapos kaway ng kaway gahd tapos si Peniel huhuhu ang cool talaga nitong middle baby nato e huhuhu ang cute talaga ng labi mo Donggeun huhuhu and syempre ano ba hahahaha si Sungjae mga bes huhuhu naiyak na talaga ako ng todo dahil sa kanya e huhu dumagundong yung Arena grabe. Wag kang babalik dito nang hindi mo dala si Sami ah? Jusko marami akong isda na ibibigay sayo. Sasamahan pa kita mangisda! Hahaha lol jusko kasi huhuhu ang gugwapo talaga nitong mga baliw na members ng BTOB e huhuhu

CNBlue – jusko huhuhu sinunod pa talaga ang CNBlue. Huhuhu leshe ka talaga Yonghwa! Akala mo ba gwapo ka? HINDI KA GWAPO! HINDI KA TAO! Nakakainis hahahaha si Minyuk huhu sarap kurutin ng cheeks niya huhu tapos si Jonghyun at Jungshin huhuhuhu kay gwapong mga nilalang jusko. Uulitin ko, HINDI KA GWAPO YONGHWA! Hahahaha

SHINee – Kinilabutan din ako sa fanchant ng Shawols e huhuhu nag-Everybody pa mga koyang mo huhuhu ang astig talaga ng choreography nila hanggang ngayon kasi hooked pa rin ako sa Everybody e hahaha yung dimples ni Jonghyun talaga yung pumatay sakin e huhuhu tapos yung panga ni Taemin jusko ang sarap gamitin pambalat ng mangga HAHAHA lol Of course, SHINee being SHINY is not shocking anymore. Ipagawa mo sa kanila ang kahit ano and they will give you their greatest.

PSY – eto na hahahaha. Yung dahilan talaga ng pagpunta ko ng OneKCon. Si Manong PSY hahaha bukambibig ko yan si Manong mula umaga hanggang paglabas ng concert venue e hahaha jusko natupad pangarap ko na sumayaw ng Napal Balji, Daddy, Gentleman, at Gangnam Style na live niyang kinakanta omg hahaha

Tapos, yung akala mo nag-end na dun yung araw mo, nakita mo naman sina Mina, Sandeul, Jinyoung, Daehyun, at Minho (?) sa bus palabas ng arena. Katangahan lang kasi tinitigan ko lang at hindi pinicturean hahahahaha kainis kasi huhu
Wala na akong boses jusko IT WAS ALL WORTH IT Promise.

Thank you All Access Production for this wonderful concert!
Congratulations to all the fandoms especially BTOB Philippines. Naniniwala ako na babalik dito lahat ng artists/groups na nagperform kanina sa #ONEKConcertinManila.
ONE DREAM!
ONE KOREA!

(PS. Live talaga silang nagperform. As in, hindi lip sync jusko kaya sobra akong proud to be a fan of KPop since 2008 e STAN TRUE TALENT! Hahaha.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s